MRO – Lakbay Para sa Karapatan @ March 22, 2013

ANG PAGLAGANAP NG MGA KRIMINAL NA NAKA MOTOR ANG SINASABING DAHILAN NG QCPD UPANG PAGSUUTIN ANG LAHAT NG VEST NA MAY NUMERO NG PLAKA SA LIKOD AT UPANG IPAGBAWAL ANG MAY ANKAS KAPAG NASA LOOB KA NG QUEZON CITY…

TANONG: Nagawa na ba nila ang lahat na pwedeng gawin upang mabawasan ang problema sa krimen? Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pag dagdag ng police visibility o pag tataguyod ng community crime watch programs…

TANONG: Bakit kailanang tayo ang mag sakripisyo at pumasan sa problema at kakulangan ng ating kapulisan sa pagsugpo ng krimen at ng mga gumagawa nito?

TANONG: Sapat na dahilan ba ito para sakalin nila ang inosenteng rider at baliwalain nila ang ating karapatan bilang mamamayan at mananakay ng motor?

TANONG: Kung pipilitin nila na tayo ang papasan sa problemang ito, pwede bang ibawas sa buwis na binabayaran natin ang pinapasweldo sa mga nag papagaan lamang ng kanilang trabaho? 

HINDI TAYO KRIMINAL!!!
IPAGLABAN ANG KARAPATAN NATIN BILANG INOSENTENG MAMAMAYAN!!!

Mga kapatid sa pag momotor, sa Marso 22, tinatawagan namin ang lahat ng apektado sa hindi makatarungang panukala ng QCPD na makibaka sa paghatid ng ating saloobin sa mga kinauukulan…

UPDATE:

Ng dahil sa kaganapan nitong araw na ito, Marso 20, tayo po ay nakakuha ng sagot mula sa QCPD ukol sa mga nabunyag na plano ng QCPD na syang pinabulaanan at sinabing ito ay mga balak pa lamang…

Upang masegunduhan ang kaganapan ngayong araw, ating paalala sa kanila na tayo ay HINDI KRIMINAL…

Bagama’t hindi ito ride upang ihatid sa kanila ang ating pag kontra sa kanilang kagustuhan, ginagawa natin itong ride upang ipaalala sa kanila na ang ating karapatan ay dapat bigyan ng halaga…

Sa araw na ito, tayo’y maglakbay panandalian upang palaganapin ang RIDER RIGHTS na syang madalas tapakan ng mga ganitong sitwasyon…

Maging udyok ito at paalala sa mga nag babalak na gumawa pa ng mga intensyon na ipasa sa ating balikat ang problema na hindi naman atin…

Maging mensahe ito sa kanila na ang ating tulong ay pwedeng ibigay imbis na tayo’y sakalin at ipagtulakan sa kangkungan…

At sa dulo ng lakad na ito, ating ihatid ang ating mga kasamahan natin na syang aattend sa MC LANE MEDIATION HEARING na gaganapin sa QC Hall of Justice Mediation Hall sa ganap na 2:00 ng hapon sa QC Hall compound…

Kaya sa Marso 22, tayo’y MAGLAKBAY PARA SA KARAPATAN…

Ang bagong oras at lugar ng pag titipon ay ang sumusunod:

Ang pag titipon ay magaganap ng 11:30-12:40
Mag titipon tayong lahat sa Kahabaan ng White Plains Avenue
Tayo’y aalis ng 12:45 tungo ng QC Circle at syang iikot ng 2 beses bago papasok ang mga attendees ng hearing sa loob ng QC Hall Compound

Ang mga nais manatili upang abangan ang kalalabasan ng Mediation Hearing ay maaring sumama subalit sila’y mag iintay sa parking lot malapit sa parking ng QCHERA…

Sa mga sasama, salamat!

http://www.facebook.com/events/123447187841505/

Comments..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s